DLSU-D Home >> Colleges >> CBA >> Kagawaran ng Filipino at Panitikan >> Faculty Lecture
Kagawaran ng Filipino At Panitikan
Faculty Lecture
WIKANG VERNAKULAR HUWAG LIMUTIN
Jose A. Arrogante
Kilala nyo ba ang El Shaddai? Bakit sa palagay nyo pumatok at tumabo sa masa ang ministro nitong si Mike Velarde? Dahil sa kanyang punto --- puntong vernakular.
Naaalala nyo pa ba ang advertisment sa TV ng PLDT na nagpasikat kay Chrsitian Vasquez? Bakit siya kinagat ng masa? Dahil sa pananalitang vernakular.
Napapansin nyo ba ang saing advertisment sa TV rin ngayonna naglalarawan sa dalawang lalaking naglalalro ng dama at isang babaing kumakain ng sitsirya? Kapag nakakahuli ang isa ng pitsa ng kalaban, sinasabi nito: "kain." Iyon namang isa, "kaon." Nung matalo ang huli, binalingang-sisi nito ang babaing katabi na kain nang kain ng sitsirya. " kaon kasi nang kaon!" Parang magaan din sa pakiramdam, di ba? Ano sa palagay nyo? Familyar din kasi ang paggamit ng salitang vernakular, lalo na sa mga Bisaya at Bikol.