KULTURA NG KAPAYAPAAN: LANGIT SA LUPA NG ISANG
BAYANG MALAYA
Lakandupil
C. Garcia, EdD
***Talumpating
binigkas sa pangkalahatang pulong ng mga fakulti at empleyado
ng Elizabeth Seton School , 21 ng Disyembre, 2001, sa
Dasmariñas, Cavite
Sipiin po natin ang isang magandang salin sa Filipino
ni Dr. Rufino Alejandro ng Panalangin ni San Francisco
de Asis:
Panginoon,
itulot Mong alang-alang sa Iyo
ay mapalaganap ko ang Iyong Kapayapaan:
mapagkasundo ko ang mga may alitan;
maturuang magpatawad ang nilalapastangan;
mapatatag ang pananalig ng nag-aalinlangan;
muling mapasigla ang nanghihinang kalooban;
mabigyan ng liwanag ang isip na nadirimlan.
O Poong Bathala,
itulot Mong naisin ko pang
umaliw sa halip ng aliwin;
umunawa sa halip ng unawain;
magmahal sa halip ng mahalin;
sapagkat kung di magbibigay, wala kaming tatanggapin;
kung di magpapatawad, hindi kami patatawarin;
kung di mamatay muna, ang buhay na walang
hanggan ay hindi namin kakamtin.
[more]