WIKANG FILIPINO: MAHALAGANG
SALIK SA PAGPAPAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO
Lakandupil
C. Garcia, EdD
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
(Isang
lektyur na binasa sa harap ng mga tagapangasiwa, guro
at mag-aaral ng St. Michael’s College, Laguna kaugnay
ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 20,
2001)
Isang matagumpay na pagdiriwang ng ika-20 araw ng Buwan
ng Wikang Filipino!
Inaasahan
ninuman mula sa isang propesor ng wika na sabihin niyang
napapanahon ang paksa ng ating pagdiriwang ngayon. Sino
nga naman ang mag-aalinlangan sa kalawakan ng gamit ng
wikang Filipino lalo pa’t ang pinag-uusapan ay karapatang
pantao? Gayunman, hindi naman siguro natural para sa inyong
lingkod, na isang Pilipino at nagtuturo ng Filipino na
sabihing bagamat napapanahon, tila hindi nalalaman ng
mga kababayan ko na ang ganitong usapin ay paulit-ulit
nang naganap sa kasaysayan, ngunit sa di malamang kadahilanan
ay patuloy na hindi inaalintana.
Hayaan
ninyong talakayin ko ang paksang ito sa liwanag ng pag-aaral
ng panitikan. Kung naniniwala ang lahat na ang panitikan
ang pinakmabubuting katha ng tao sa isang tiyak na panahon,
ito samakatuwid ang mabisang patunay ng aking paniniwala.
Sa pagpasok ng bagong milenyo, mukhang hanggang ngayon,
patuloy pa ring hinahanap ng mga Pilipino ang kanilang
kakanyahan.
more>>>