faculty committee
 
faculty profile
 
gallery
 
programs and activities

 
 
 
admissions
 
campus calendar
 
community outreach
 
scholarships
  student services
DLSU-D Home >> Colleges >> CBA >> Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Kagawaran ng Filipino At Panitikan

Misyon-Bisyon

     Ang Kagawaran ng Filipino at Panitikan ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas ay isa sa mga departamento ng Kolehiyo ng Malayang Sining. Taong 2004 nang ang KFP ay pormal na ibinukod sa Kagawaran ng mga Wika at Literatura bilang napapanahong tugon ng pamantasan sa pangangailangang humubog ng oryentasyong maka-Filipino at makabayan sa mga estudyante nito. Mithiin ng KFP na mapalawak ang kaalaman at kamalayan sa kultura at lipunang Pilipino tungo sa pagtugon sa pangangailangan sa panahon ng globalisasyon at hypermedia na pag-aaral ng wika at panitikan.

Mga Layunin

Ang Kagawaran ng Filipino at Panitikan ay:

a. Magbabalangkas ng isang pormulang sosyolinggwistiko na makapagpapabilis sa pag-unlad ng Filipino bilang pambansang wika sa pamamagitan ng kodipikasyon, elaborasyon at pagtanggap ng mga Pilipino;

b. Mag-aambag sa pagbuo sa mga teorya at lapit sa pag-aaral ng wikang Filipino na makabuluhan at akma sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas at sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino;

c. Magsasagawa ng mga orihinal na pananaliksik sa larangan ng estruktura ng wika at pagpaplanong pangwika, pagsasalin, pagtatamo at pagkatuto ng wika, leksikograpiya, hypermedia, mga isyu at kalakarang pangwika gayundin sa panitikan ng Pilipinas.

d. Magsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang ang kagawaran ay maging sentro ng pagsasaling tutugon sa mga pangangailangan ng akademikong pamayanan sa lalawigan, maging ng buong rehiyon, pambansa at mga pandaigdigang pakikitungo.