Faculty Lecture
Vol. 6 No. 1 March 2004(Vol. 2 No. 1 as on-line publication)
Faculty Journal of the College of Liberal Arts
De La Salle University-Dasmariñas
Cavite, Philippines 4115
Baligtarin Mo Man at Tadtarin Laman niya'y buto pa rin
Pagsipat / Pagbasa sa Buhay ni Leona Florentino (An Ilocano Poet )
Paper Presented in National Seminar De La Salle - Manila
ni: Dr. Myrna Austria- Torreliza
Ginawa ng Diyos ang kalikasan na maganda at maayos para sa lahat ng mga nilikha. Lahat nang ginawa ay mabuti ( Gen.1:31 ). Sa pag-ibig kabutihan at kaligayahan nilikha ang daigdig saka itinalaga ang tao na maging tagapatnahala ng lahat ng nilalang . Nilikha ang taong maging " kalarawan at kawangis niya " ( Gen.1 :26:5; 1-2 ). Binigyan ng kapangyarihan ang tao higit pa sa hayop upang idivelop at gamitin ang likas na yaman tungo sa pagpapaunlad ng magandang kinabukasan. Nabubuhay ang tao sa pag-ibig at pagmamabal ng Diyos na. nararanasan sa iba. Hindi siya nag-iisa; may pananagutan siya sa iba. Sa proseso ng pakikipag-ugnayan maari siyang magmaha1, o maga1it , makipag-away o makipagtulungan. Ang pirmihang interaksyon sa iba ang makatutulong sa pagkatao ng isang indibidwal. Matitiyak ang pagpapasiyang moral sa kamusmusan pa lamang. Para itong blangkong papel na maaaring sulatan ng anumang bagay na may kinalaman sa buhay. Malakas na pwersa ang mga karanasang maaaring humubog sa isang katauhan. Magiging sangkap ito ng uri ng moralidad na nais isabuhay , ayan sa istandard ng mga aksyong moral. Ang mga kahalagahang moral at moral istandard ang tumutulong sa pagtuklas at paghahanap ng katotohanan at kabutihan. .
Pinakamatalinong nilalang ng Diyos ang tao. Iba siya sa hayup kaya’t napagwawari mga bagay na dapat bigyang halaga para sa kinabukasan, tulad ng kahalagahang pantao.
Ayon kay ( Fichter 1974: 324) ang kahalagahang pantao ay ang istandard o pamnantayan na ginamit na sukatan ng pangkat o lipunan upang husgahan ang katangian at halaga ng tao, ideya, aksyon o layunin at iba pang bagay na pangsosyal at pangkultural.
Ito’y pinagsamangsamang kaisipan tungo sa isang matibay na paniniwala kung alin ang kanais-nais at di kanais-nais. Nagbibigay ito ng kahulugan at kahalagahan sa kabuuan ng lipunan at kultura na siyang nakakaimpluwensya sa buhay ng mamamayan .
Sa ganitong kaisipan ating sisipatin ang larawan ng buhay ni Leon Floretino sa paghaharap niya sa pagsubok ng buhay. Batid ng lahat kung gaano kahirap ang humarap sa katotohanan. Upang maunawaan ito nang higit, gumamit ang manunulat ng mga tools na siyang batayan upang maka-cope ang isang tao sa mga realidad ng buhay. Sa mga tools na ginamit tulad ng upbringing, karanasan, damdamin, at katauhan, inaaasahang matatagpuan ang tunay na paraaan ng pagiging tagumpay ng isang feministang Ilokana sa kanyang panulat. Sa paghahambing ng buhay ni Leona sa iba pang factor na ginagamitan ng parehong kasangkapan (tools) natutuklasan ang kanyang uniqueness sa panulat katangian sa pakikipag-ugnayan sa. kapwa at pagharap sa realidad ng buhay.
Ating himay-himayin ang kaugnayan ng bawat isang tools sa buhay ni Leona Florentino.
UPBRINGING
Nasa matiwasayan na kalagayan sa pamumuno si Mariano Ricarfort nang isilang ang Sappho ng Pilipinas, si Leona Floretino ika-19 ng Abril 1849 nang kumita siya ng unang liwanag mula sa mayamang angkan ng mag-asawang Don Marcelino Florentino at Don Isabel Florentino. Bagama't magpinsan ang dalawa ay hindi naging hadlang sa kanilang matagumpay na samahan. Masipag at matiyaga si Don Marcelino kaya't di nakapagtatakang sila ay yumaman bagama't isa sila sa kinikilalang pamilya noong panahong iyon. Naging matulungin pa rin si Don Marcelino sa mahihirap, pinakisamahan niya ang mga ito at tinulungang makaangat sa hirap ng buhay. Nagpatuloy ang pagdami ng kanilang ani. Patuloy itong lumago at dahil sa mabuti niyang pakikisama , pagtitiyaga,at pagsisipag, nag-ani siya ng papuri at kinilalang isa sa mayayamang angkan sa Villa Femandina. Bagama't may sinasabi ang angkan nina Leona naging mababa pa rin sila sa kanilang pakikipagkapwa. Maliit pa lamang siya ay naipunla na sa murang isipan ang halaga ng pagiging masipag at matiisin. Tinuruan. siya. ng ina ng mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, pagluluto at pag-aayos ng mga kasangkapan. Naniniwala si Dona Leona na gaano man kayaman ang isang tao ay kailangan pa ring matuto ng gawaing bahay, upang hindi mahirapan. Bawat isa sa kanyang mga anak pati si Leona ay may gawaing nakatakda. Naiiba si Leona sa magkakapatid , tanging siya lamang ang payat patpatin at masasakitin. Kaya’t bihira siyang utusan at pagalitan. Sakay ng kalesa, madalas siayng ipapapasyal ni Don Marcelino malalawak nilang lupain sa Villa Femandina. Naipasok sa kaisipan ni Leona ang ganitong magandang karanasan. Di rin malilimutan ang itinuro ng ina tungkol sa pagalang at pagkilala sa dignidad ng gawaing manwal. Ang pagiging mabait, masipag, at pantay na pakikitungo sa mga taong nagsasaka sa bukid ay natutunan sa mga magulang. Sa gulang na sampu ay natuto na nga kastila at nagsimulang magsulat. Anim na taong gulang siyang ng mapasailalim sa pagtuturo ni Padre Evaristo Abaya, pare ng parokya ng Villa Feranndina at matalik na kaibigan ng mga Floretino. Hindi nagtagal ay natuto siyang magsalita ng Espanyol at Latin. Patuloy siyang tinuruan at binigyan ng mga aklat mg tula at maikling kwento. Kinagiliwan niya ito at natagpuan na lamang ang sariling sumusulat ng mga tual at sarswela. Di naglaon ay napabilang siya sa mga sikat na manunulat noong panahong iyon. Sa panahong din ito nakilala ang Pilipinas.
KARANASAN
Sa maikling panahon ng buhay ni Leona, matatagpuan ang mayaman niyang karanasan. Minsan sa kanyang pagdalo sa isang kaarawan ay napilitan siyang sumulat ng tula upang ihandog sa may kaarawan. Nagkataong siya’y pinilit lamang ng kanyang ina na dumalo sa salu-salo kayat’t wala silang dalang regalo. Naisipan niyang humabi ng tula na siayng inihandog sa kaibigan. Emilia ang naging pamagat ng tulang ito. Binigkas nang malakas ang tulan sa harap ng mga bisitang naroroon at nagustuhan ito ng nakakarami, kaya’t muli siyang pinabigkas ng isa pang tula. Mula dito’y naanyayahan siay sa mga pagtitipon, kasayahan at mga koronasyon. Hinangaan siay ng maramiing tao kabilang na ang kapitan, sa lubos na paghanga ay nasambit niya kay Leona ang mga katagang " kay ganda ng dalagang ito.” Sa simula’y nginitian lamang siya ni Leona, subalit nang paulit-ulit na itong sambitin ng kapitan , inisip na niya itong insulto kayat sa inis ay lumapit sa Kapitan at pinagsasampal niya ito. Napatigalgal ang kapitan at pati ang mga bisitang naroon ay nagulat din sa nangyari. Siyang pagdating ni Don Marcelino inilayo niya si Leona sa mga opisyal ng guwardiaya sibi1. Sapagka’t malapit na. kaibigan ng lolo ni Leona ang Obispo at dahilan na rin sa impluwensya ni Don Marcelino sa mga pinuno ng Villa Fernandina napatawan ng karampatang parusa ang kapitan.
Hindi mapapasubalian ang immature na desisyon na pag-aasawa ni Leona kay Elias de los Reyes sa maagang edad, gawa na rin ng kanyang mga magulang. Nagbunga ito ng mapait na karanasan. Kapwa bata palibhasa kaya’ t hindi nagkaroon ng sapat na panahon upang kilalanin nila ang isat-isa. Ipinanganak ni Leona si Isabelo de los Reyes sa edad na labinlima. Sa panahong ito rin lumabas ang tunay na ugali ni Elias , nagbalik siya sa dating bisyo, ang pagpatol sa sinu-sinong babae. Dahil dito ibinaling ni Leona ang kanyang atensyon sa pagsulat ng tula. Nang lumaon ay naging dahilan ito ng pagkamuhi ni Elias kay Leona dahil sa ang buong gabi nito’y ginugugol sa pagsusulat. Para kay Leona ito ang kanyang buhay, ang kanyang pagkain at inumin( Feria :1984 ). Di naglaon ay unti-ulnting nanghina ang katawan ni Leona. Naging matamlay siya hanggang dapuan ng karamdaman. Kahit na may sakit ay patuloy na nagsulat sa kabila ng pag-uutos ni Elias na tigilan na ito upang siya'y gumaling.
Naging maiinit ang kanilang sagutan hanggang sa dumating sa desisyon ng pamimili, kung si sino sa kanilang dalawa ang mahal ni Leona siya o ang kanyang mga tula. “Choose me or your silly verses " pinili ni Leona ang tula , kaya' siya'y umalis at nanirahang mag-isa sa bukid .Sarnantala, pinatira niya ang anak na si Isabelo sa kanyang kapatid. Naging maluho si Elias at inubos and salapi sa alak, babae at sugal. May kalayuan ang Maynila sa Ilocos kaya't inakala ni Elias na hindi makararating kay Leona ang kanyang ginawa. Nguni’t nakarating ang balita sa Villa Fernandina, hanggang mabalitaan ito ni Leona. Kanyang tiniis lahat ng balitang narinig at sinarili na lamaang ang pait ng damdamin. Muling nagbalik ang karamdaman nito.
DAMDAMIN
Sa mga isinulat ni Leona masasalamin ang karaniwang damdamin tinalakay tulad ng pag-ibig at pagdadalamhati kanyang pinuri ang mabuti at kinondena ang masama. Sa simula'y mababasa ang damdamin ng pagkamasayahin sa kanyang mga isinulat di nagtagal dahil sa di magandang karanasan ay nabaling sa pagkabigo, pighati at pagtitiis ang
mga tulang isinulat. Damdamin ng pagtitiis ang lumutang sa dakong huli ng kanyang mga isinulat na tula.
KATAUHAN
Tulad ng isang molave, matatag at matigas , ganyan si Leonia sa kanyang pagharap sa realidad ng buhay. Produkto siya ng pag-ibig at pagmanlahal ng kanyang magulang. Hinubog siya ng may pagpapahalaga sa sariling dangal at pagpapakasakit sa mga anak para sa kinabukasan. Buong ingat niyang hinabi sa sinapupunan ni bathala saka patuloy na hinaplos ng pagkalinga ng mga magulang.
Isa si Leonang mababasa na walang inaayawang aklat. Natatangi ang kanyang istilo. Sapagka't isinasaalang-alang ang kapaligiran sa kanyang pagsulat. Marahas siyang makata ng nagsalita sa mga saknong, tulad nagn lakas ng mga propetang magpahayag ng may katiyakan. Sa kanyang katauhan at buhay matatagpuan ang pinakamahusay na tulang kanyang binigkas. Malakas ang kanyang personalidad sapagkat sa hirap,dusa at sakit na naranasan sa kanyang asawa ay patuloy siyang nabuhay na nananalig ng may pag -asa at paniniwalang siya'y liligaya. Mababakas at mararamdaman sa kanyang tula ang masidhing pagnanais niya ng kapayapaan at tunay na pagmamahal na siyang bumuo sa kanyang katauhan.
VALYUS SA BUHAY
Kinilala ang mga tula ni Leona sa pagkakaroon ng orihinal na nilalaman, anyo , indayog at agkakaroon ng masidhing damdamin. Sa kanyang mga verso inawit ang mga gabi, tradisyon, kultura, kaisipan at damdamin ng mga Pilipino. Kasam na rin ang kaluwalhatian at karangalan ng mga kababaihang Pilipino. Sa karunungan sa paggamit ng wikang Ilocano at kastila, nahigitan niya ang kapwa niya manunulat sa panahong iyon. Mababasa rin sa kanyang mga tula ang ispiritwal, sosyal at moral valyus. Pinatunayan sa kanyang mga sinulat na maaaring pagsamahin ang tula at relihiyon upang iapahayag ang kaluwalhatihan ng Diyos, kagandahan at pag-ibig sa tinubuang lupa.
Sa pagsusuri at paghimayhimay ng kalamnan ng tula ni Leona ating matatagpuan ang mga valyus na kanyang isinabuhay.
Sa tulang “RUKRUKNOY” Dedication, matatagpuan ang mga valyus o pangkatuhang minamahalaga na nagpatingkad at nagpalakas sa katauhan niya. Tunghayan natin ang ilang saknong:
Dumating ngayon mga kapatid na minamahal
Ang araw na gusto ng Dios natin ang makasama ko
Inyong pag-aasawa at nang pagkakaisa sa kataastaasan
Sakramento inyong tinaggap
Natupad na ang matagal ninyong ginusto
Ang pinag-isa ninyong mga puso
Ang mahalagang bendisyon inyong tinanggap
Sa Santa Iglesia na ating ina
Malinaw na nakasaad sa mga saknong na binasa ang pagka-religious ni Leona, paniniwala at pagpapahalaga sa sakramento ng kasal, Naniniwala siayng malaking factor ang pagbabasbas ng simbahan sa matatag na pagsasama ng mag-asawa. Tanging Diyos ang sanhi at dahilan ng ikapagtatagumpay ng kanilang samahan. Matatagpuan naman sa mga sumusunod na saknong ang valyu ng katapatan at pagmamahal:
Ngayon ang magiging buhay ninyo maski
Dalawa iisa kayo
Kailangang ipakita ang pagkakasundo ninyo
Dapat ang pag-iibigan at pag-aaruga
Ang pagbubuklod ng bawat isa
Hindi magbabago hanggang nabubuhay ka
Rosas ang kahambing, kung maniniwala
Sa pagmamahalan ng inyong sinumpaan
Sa pagkakaisa nasasalamin Wlg tunay na pagmatnallalan. Sa takas at katapatan nabubuklod ang tunay na pagmamahalan. Samantala matatagpuan naman ang valyu ng trust o pagtitiwala sa mga sumusunod na saknong:
Bagamat ang kasayahan ng isa ay para sa inyong dalawa
at ang hirap ng isa, paghihirap ninyong da1awa
Lumayo kayo sa ila1im ng pagdududa
Ito ang hudyat ng tunay na pagtitiwala ng mag-asawa .
Binanggit nwnan niya sa mga sumusunod na saknong ang pagsunod sa kalooban ng Diyos:
Sige Severina tanggapin mo ang pinakamamahal
Na ibinigay ng Diyas para sa iyo
Kimkimin mong parang isang mahal na perlas
Sa mamahalin mong puso iyong itago
Matutukoy naman sa sumusunod na saknong ang kasiglahan, paggalang at takot na may
pagmamahal sa Diyos:
Kung mga bata at dalaginding pa
Gawin mong itatak sa puso nila
Ang pagmamahal at pagkatakot saDiyos
Na humubog sa kanila
Nailalarawan din sa tula ang kanyang pagmamahal at debosyon sa Banal na pamilya, Holy Family nang kanyang binanggit ang mga sumusunod:
Sa tulong at grasya ng mahnl na Diyos
Mahalintulad sana ang buhay ng mag-asawa
Kay San Jose at Birheng Maria
Sa pagkakaisa at katahimikan ng buhay
Sa mga valyus na natagpuan sa mga twang isinulat hindi maitatanggi ang katotohanang nag-ugat ang lahat nang ito sa kanyang nakaraan. Kung paano niya hinarap ang realidad ng buhay ay matatagpuang lahat sa mga kalasag na ginamit. Malaking bagay ang kanyang upbringing sa sa pagharap sa realidad. Ang kanyang pagkamaka-Diyos, makatao at makabayan ay nakadagdag pa rin sa paghubog ng kanyang pagkatao at kamalayan sa buhay.
Sa kanyang pagiging sensitive at responsive sa pangangailangan ng iba higit niyang natukoy ang halaga ng pakikisama. Ang pisikal na katawan niya ang naging puhunan sa patuloy napakikibaka sa katotohanan ng buhay. Bagama't nagkasakit hindi ito naging hadlang upang siya,y panghinaan ng kalooban. Naging dahilan pa ito ng patuloy niyang pagsulat. Ang itinanim at kinultiveyt na valyus ni Leona ang pinakamahalagang tool na ginamit upang maka-cope up siya sa realidad ng buhay. Batid natin na ang valyus ayon kay Cornelius Van Der Poel ay nagpapakita kung paano ang pananaw ng tao sa mga bagay at sa mundo. Ayon naman kay Bryn Hall, Michaei Kermu sa harap ng maraming pagpipilian ang pagsasakatuparan nito ay nagpapaunlad ng ating pagkatao. Ang valyus ay ginugusto, itinatangi, hinahangad at ikinasisiya ninuman. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan kapag hinangad at isinakatuparan ( Badia & Saruo : 1979, pp. 77- 79).
Sa ganitong kaisipan makikita nating ang kahinaan ni Leona ay pinalakas ng kanyang pag-ibig, pag-asa, pananampalataya, pagtitiis at pagtitimpi. Sa kanyang pagtitiyaga at pang-unawa kay Elias naharap niya ang isang pangyayari sa buhay nilang dalawa nang minsan sinabi sa kanya ni Elias “Choose me or your silly verses” (Diliman Review 95:1984). Sa isang tagpong ito ng buhay ni Leona makikita ang pagpapahalaga ni Leona sa kanyang mga tula ( " It was only a matter of time that Elias would regard her poetic aberrations as form of madness for she preferred to write all night poetry was her meat and drink" ). Sa halip na magalit ay inunawa ang asawa. Sa kanilang paghihiwalay ay naroroon parin ang pag-asang sila'y muling magkakatagpo- " She never vered from crises by the heart; yet she lived in a decisive age" (Diliman Review 95:1984 ) .
Ang mga valyus na nainkulkeyt sa katauhan ni Leona pati na ang ibang tools na nabanggit ang nagpatibay at nagbigay kahulugan sa kanyang buhay. Ang kanyang positibong pananaw dahilan ng maluwag niyang pagtanggap sa pagdating ng malalaking alon sa kanyang buhay. Ito rin ang sanhi at bunga ng matapang na pagharap niya sa realidad ng buhay. Iisa lamang kaya ang tools na ginamit ng ibang awtor sa pag -cope up sa realidad ng buhay ?
Upang mapagwari ikinonsidera an isa pang buhay ng isa pang feminista sa katauhan ni Lualhati Bautista, may asawa at mga anak. Nagsimulang magsulat sa gulang na labing anim nang siya ay nasa mababang paara1an pa lamang. Unang na1imbag ang kanyang nobela noong siya ay nasa Mataas na Paaralan . Sapagka’t bata pa siya noon itinuring na amaturist ang sarili. Batay sa kanyang mood at pinansyal na pangangailangan ang kanyang pagsulat. Maaaring minsan ay umabot siya ng dalawa hanggang tatlong taon bago matatapos. Naging tagumpay siya sa panulat sapagka't katulad ni Leona nagwagi ng Don Carlos Palanca Memorial Awards sa Literature ang marami niyang nobela. Marahas at tuwiran kung siya ay mangusap sa panitik, kung ano ang dapat ay kanyang isinusulat. Bagama't nagdanas siya ng sakit at hirap hindi siya kailanman bumigay. Tulad ni Leona ang kanyang katauhan, valyus, damdamin at upbringing ang naging tools na ginamit sa pag-cope up sa realidad ng buhay. Hindi man siya nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo tulad ni Leona kapwa naman sila nagtagumpay sa pagsulat. Sa mga isinulat ni Lualhati tulad ng Gapo, Dekada, Bata-bata Paano ka ginawa? at iba pang nobela nasalamin ang kanyang pag-ibig sa bayan at mamamayan, ganoon din ang kanyang pagiging liberal sa buhay at panulat
Malaki man ang agwat ng dalawa sa gulang at panahon ng kanilang panumuhay,
kapwa naman gumamit ng parehong tools sa pakikibaka sa realidad ng buhay.
References
Cruz, Isagani I. (1990). Contemporary literary criticism. Manila: De La Salle University Press.
Feria, Dolores. ( 1984) ." The patriarchy and the Filipina as writer " Diliman Review ( September-October ) .Quezon City: University of the Philippines .
Foronda, Jr. Marcelino. ( 1972). Samtoy: essays on Ilokano culture and Literature. Manila: Research Office, De La Salle College.
1976 KUTIBENG: Philippine poetry in Iloko 1621-1971.Manila: De La Salle Universitv.
Lowenthal, Leo. ( 1967 ). Literature: Popular Culture and Society . New Jersey: Prentice Hall) Inc.
Nabi Baksh & Abdul Majid bin (1983).The popular culture controversy. Penang
( Malaysia) : Research Publications .
|