Vol.
6 No. 1 March 2004(Vol. 2 No. 1 as on-line publication)
Faculty Journal of the College of Liberal Arts
De La Salle University-Dasmariñas
Cavite, Philippines 4115
Baligtarin
Mo Man at Tadtarin Laman niya'y buto pa rin
Pagsipat / Pagbasa sa Buhay ni Leona Florentino (An
Ilocano Poet )
Paper Presented in National Seminar De La Salle - Manila
ni: Dr. Myrna Austria- Torreliza
Ginawa
ng Diyos ang kalikasan na maganda at maayos para sa lahat
ng mga nilikha. Lahat nang ginawa ay mabuti ( Gen.1:31
). Sa pag-ibig kabutihan at kaligayahan nilikha ang daigdig
saka itinalaga ang tao na maging tagapatnahala ng lahat
ng nilalang . Nilikha ang taong maging " kalarawan
at kawangis niya " ( Gen.1 :26:5; 1-2 ). Binigyan
ng kapangyarihan ang tao higit pa sa hayop upang idivelop
at gamitin ang likas na yaman tungo sa pagpapaunlad ng
magandang kinabukasan. Nabubuhay ang tao sa pag-ibig at
pagmamabal ng Diyos na. nararanasan sa iba. Hindi siya
nag-iisa; may pananagutan siya sa iba. Sa proseso ng pakikipag-ugnayan
maari siyang magmaha1, o maga1it , makipag-away o makipagtulungan.
Ang pirmihang interaksyon sa iba ang makatutulong sa pagkatao
ng isang indibidwal. Matitiyak ang pagpapasiyang moral
sa kamusmusan pa lamang. Para itong blangkong papel na
maaaring sulatan ng anumang bagay na may kinalaman sa
buhay. Malakas na pwersa ang mga karanasang maaaring humubog
sa isang katauhan. Magiging sangkap ito ng uri ng moralidad
na nais isabuhay , ayan sa istandard ng mga aksyong moral.
Ang mga kahalagahang moral at moral istandard ang tumutulong
sa pagtuklas at paghahanap ng katotohanan at kabutihan.
more>>>