IMBITASYON
MEMORANDUM PAMBANSA
Blg. _____, s. 2008
Sa mga: TAGAPAMANIHALA NG MGA PAARALAN
PUNO/PINUNO NG MGA PRIBADONG PAARALAN
Paksa: PAANYAYA SA PAGDALO SA PAMBANSANG SEMINAR SA FILIPINO
1. Ang Pamantasang De La Salle-Dasmariñas sa pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd), ay magdaraos ng Pambansang Seminar sa Filipino na may paksang "Ang Wika at Panitikan sa Panahon ng Hypermedia at Edukasyong Multikultural." Ito ay gaganapin sa Oktubre 16 - 18, 2008 (Huwebes hanggang Sabado) sa Tanghalang Julian Felipe ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas.
2. Pagkatapos ng seminar, inaasahang:
Madaragdagan ang kabatiran ng mga gurong nagtuturo ng wika at panitikang Filipino tungkol sa paglalapat ng mga teorya at metodong nakatuon sa nagbabagong edukasyon sa kani-kanilang antas;
Mabibigyan pa ng mas malawak na pananaw ang mga delegado hinggil sa mga napapanahong isyu sa larangan ng pagtuturo ng wika, literatura at edukasyong multikultural sa lahat ng antas;
Mailatag at masuri ang mga kagamitan, istilong panturo at pagpaplanong akademiko alinsunod sa mga hinihinging pagbabago ng panahon.
3. Ang mga dadalo sa seminar na ito ay ang mga gurong nagtuturo ng/sa Filipino, ang panlalawigan at pansangay na superbisor o puno sa Filipino, puno ng kagawaran, punongguro at tagamasid sa mga paaralang elementarya, sekundarya at kolehiyo, pribado man o publiko.
4. Ang ibabayad sa transportasyon mula sa pinanggalingang paaralan o tanggapan hanggang sa lugar ng seminar at pabalik, gayundin ang TATLONG LIBONG PISO (Php 3,000.00) ibabayad para sa rehistrasyon, pagkain at kit (hindi kasama ang akomodasyon, almusal at hapunan) ay maaaring manggaling sa pondong lokal ng kani-kanilang paaralan o tanggapan na sasailalim sa kaukulang pagtutuos at pag-aawdit.
5. Para matiyak ang bilang ng seminar handouts na ipamamahagi sa rehistrasyon, mangyaring magpadala ng reserbasyon sa o bago ang Setyembre 15, 2007 kina:
MARY ANN CARREON -
Direktor ng Seminar
De La Salle Philippines-Dasmariñas
Tel. Blg. (046) 416-5086
Mobile: (0917) 502-2877
E-mail:mcescoto@mail.dasma.dlsu.edu.ph
ESCOTO ANGELICA HONOR - BALLENA
Ko-Direktor ng Seminar
De La Salle Philippines-Dasmariñas
Tel. Blg. (046) 416-4531 loc. 3188
Mobile: (0920) 617-8641
E-mail:ahballena@mail.dasma.dlsu.edu.ph
6. Ipangalan ang bayad na tseke sa DE LA SALLE PHILIPPINES-Dasmariñas.
7. Hinihiling ang maaga, madalian at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
JESLI A. LAPUS
KALIHIM
Kagawaran ng Edukasyon
Kalakip: Gaya ng nasasaad
Sanggunian: Memorandum Pangkagawaran: Blg. 77, s. 2005
Pamumudmod: 1 --- (D.O. 50-97)
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa:
Learning area, FILIPINO SOCIETY or ASSOCIATION
SEMINARS TEACHERS |