Misa ng Pasasalamat – Agosto 1, 12:00 – 1:00 ng hapon, kapilya ng pamantasan
Taunang Parada – Agosto 6, 11:00 ng umaga – 3:00 ng hapon, PCH hanggang Ugnayang La Salle
Ang gawaing ito ay lalahukan ng mga piling klase mula sa iba’t ibang kolehiyo ng pamantasan. Ang tema para sa taong ito ay “Mga Caviteñong Bayani, Ngalan ng Bawat Gusali.” Layunin nito na bigyang-pugay at pagkilala ang mga tao at kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng wika at panitikan. Bibigyang-buhay ito ng mga piling klase na sisimulan ang parada sa PCH Grounds patungong DLSU-D Grandstand kung saan magkakaroon din ng maikling presentasyon. Ang mga sumusunod ang bibigyang ng natatanging pagkilala:
Julian Felipe
Mariano Alvarez
Olivia Salamanca
Jose Basa
Severino de las Alas
Emiliano Riego de Dios
Gregoria Montoya
Vito Belarmino
Mariano Trias at iba pa
Lakbay-turo – Agosto 13, 1:00 – 4:00 ng hapon, Bulwagang Jose Basa
Katuwang ang SANGFIL (Sanggunian sa Filipino), isang pambansang samahang pangwika na nakabase sa Unibersidad ng Pilipinas, at Kagawaran ng Filipino at Panitikan, magsasagawa ang dalawang tanggapan ng isang libreng seminar na dadaluhan ng mga guro mula sa mga karatig-paaralan ng DLSU-D. Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang ugnayan ng ating pamantasan sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyong pampamayanan. Bahagi rin ng nabanggit na gawain na mapatatag ang relasyong pangwika ng KFP sa mga organisasyong pangwika sa Pilipinas. Ang mga ispiker para sa seminar na ito ay kapwa mga propesor sa KFP: Mr. Christian George C. Francisco, Ms. May Leynes-Mojica at Ms. Jennifer Tario-Arroyo. Mga isyung pangwika at panitikan ang lalamanin ng lektyur.
POESIA – Agosto 21, 4:00 – 5:00 ng hapon, Museo De La Salle
Isang taunang pagdiriwang na nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga manunulat at manunula na tubong-Cavite. Sa taong ito, kikilalanin ang mga obra ni Maestro George Canseco. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng KFP sa Museo de La Salle. Layunin nitong maipamulat sa mga kabataan ang halaga at dulot ng panitikan sa panahon ng hypermedia. Mga piling miyembro ng pamayanang De La Salle ang mangunguna sa pagtula.